Monday, January 2, 2012

MEGASTAR. MEGAMONEY

Tatalikuran mo ba ang mga taong nagmahal at nag-alaga sayo for more than 20 years para sa 1 Billion pesos? 
Kung ang isang Mega Star na may net worth na umaabot sa 100 million ay nagawa ang bagay na yan, paano pa tayong mga ordinaryong taong may net worth lamang na… 150 per day? (oo na, korny ko). 
Sa totoo lang, nagbago bigla ang tingin ko sa kanya. Hindi naman sa isa ako sa mgaavid fans nya pero bilang isang Pilipino na pamilyar sa isang Sharon Cuneta, ay masasabi kong isa siya sa mga aktres na dapat na tinitingala ng mga baguhang artista. Pati sa role ng pagiging nanay ay tinitingala rin siya. At dahil sa desisyon niyang iyon, parang nawala ang pagiging Mega Star Sharon Cuneta niya. Kung tutuusin, hindi niya na kailangan ng ganon kalaking pera, ang yaman yaman ng pamilya nya. Kahit nga hindi na siya magtrabaho, okay lang e. Diba? 
Ganito lang yan: Parang pinagpalit mo ang pamilya mo sa perang alam mo namang hindi mo talaga kailangan. 
Opinyon ko lang naman ‘to at higit sa lahat blog ko ‘to. Tignan na lang natin ang mangyayari sa career niya. 

(written and posted : Nov. 22. 2011)

No comments: