Saturday, January 14, 2012

Panaginip at Alaala

Napaginipan kita kagabi
Dun lang tayo nagkita ulit.
Humaba na nga ulit ang buhok mo, pero hindi parin kasing haba tulad ng dati bago ka magpagupit.
Dito 'yon sa bahay. Siguro bandang hapon yun dahil maaraw pa. Hindi ko alam kung anong meron pero inaasahan ko rin talaga ang pagdating mo nun.
Nag-aayos ako ng buhok sa salamin habang umaakyat ka ng hagdan.
Ang akala ko hindi mo ko papansinin pero ako agad ang una mong sinilip at kinausap.
Nagpasama ka sa akin dahil may ipinapagawa sayo.Hindi ko lang alam kung sino.
Nagulat ako at kinausap mo ako ng ganun.
Pagkatapos mo gawin yung pinapagawa sayo, umalis yung kasama natin.
Sabay niyakap mo ko at ninakawan ng halik sa pisngi. Nagulat ako pero bago pa ko makapagtanong sinabi mo agad 'Mahal kita!'. Sobrang saya pa ng pagkakasabi mo nun. Halos tumatawa na nga. Sobrang 'hyper' mo nun.
Pagkatapos nun ay sinabi ko, 'Akala ko ba hindi?'
Sabi mo, 'Kunwari lang yun...(at may iba ka pang sinabing paliwanag kung bakit ka nagkunwari)'. At sabay ngiti at yakap sa akin.

Yan na siguro yung pinakamagandang memory ko tungkol sa aming dalawa. Kahit sa panaginip lang nangyari, naramdaman ko yung saya.

Ayoko na i-describe yung naramdaman ko paggising ko at nararamdaman ko hanggang ngayon. Hindi ko rin naman alam kung paano ipapaliwanag ito.

Matutulog na ko. Itulog na lang natin ang lahat ng nararamdamang ito.
 

No comments: