Minsan talaga mararamdaman mo na hindi ka talaga importante sa isang taong malapit sayo.
Bakit ganito? Napaka-random. Nakakainis. Nakakalungkot. Mas nakakainis tuloy.
Nung isang araw lang parang maayos naman kami sa isa't isa tapos biglang sa isang iglap parang hindi ka niya kilala. Ang hirap intindihin. Parang hindi maayos pero maayos talaga. O kaya naman, parang maayos pero hindi talaga. Ang gulo, di po ba?
Kahit ako naguguluhan. Nagugulumihanan.
Nakakapraning tuloy. Nakakapraning isipin kung ano yung dapat kong i-kilos o gawin; kung ano yung dapat kong sabihin; at kung kailan ako dapat makipag-usap. Oo, lahat yan tumatakbo sa utak ko kasi ganun ako ka-ingat sa mga mabibitawan kong salita at maipapakita kong kilos. Natatakot kasi akong magkamali, baka ma-reject na naman ako o baka lumayo nanaman siya sa akin. Ayoko na mangyari yun. Hindi ko kaya.
Pero bakit ba lagi na lang ganito? Hindi ko siya maintindihan. Siguro may nagawa lang talaga akong mali. Ewan. Wala akong maisip o maalala eh. Nakakabaliw.
Naiisip ko tuloy..
Ano pa bang kailangan kong baguhin? Sabi naman ng bestfriend niya, ang laki na daw ng pinagbago ko... Nag-improve na daw ako. Ako rin naman sa tingin ko na iba na nga talaga ako ngayon. Wala na nga akong ipinapakitang kadramahan sa kanila masyado, lalo na sa kanya. (Hindi naman din nila kasi alam ang blog ko na 'to.)
Ito nanaman ako, nahihirapan mag-focus sa academics dahil dito. Ang hirap maapektuhan lalo na kung siya lagi ang dahilan. Ibang klase nga talaga ang tama niya sakin...
No comments:
Post a Comment