(Humanda ka. Dahil malamang maranasan mo ang bangis ng daliri ko sa pagmumura. Oo, daliri kasi tina-type 'to at hindi sinasalita. -- OO NA! KORNY NA!)
Alam ko lahat ng tao sa mundo, naka-gawa na ng katangahan. Hindi nga naman kasi tayo perpekto. Pero ang chance mo na tumaas sa ranking ng katangahan ay tumataas ng todo-todo sa ganitong sitwasyon:
Pasado ala-1 ng umaga. Sabaw ako dahil kagagaling ko lang sa matinding "academic research" na maaring makapagbigay sakin ng pagkakataong maging exempted sa midterms ng PHGC. Inaantok na ko dahil ilang araw na kong puyat pero dahil kaka-inom ko lang ng panglawang tasa ko ng kape kasalukuyan may nagsisimulang karera ng mga kabayo sa dibdib ko(kung talagang kilala mo ko, alam mo na kung bakit ako ganito kapag nababanggit ang kape). Nakapikit lang ako, pinipilit na makatulog sa kabila habang may kausap(hulaan mo na lang kung ano ang kausap ko).
1.13 ng umaga. Tumunog ang celepono ko. Nagdalawang isip pa kung sisilipin o hindi.
(pagkatapos ng isang minuto...)
"DAMN!". Oo. Napasigaw ako ng wala sa oras. Pero dahil sa mga 3-4 na rin akong nag-aaral tanggapin ang mga dapat kong baguhin at gawin sa taong ito, pumikit na lamang ako at huminga ng malalim ng maraming beses. At dahil nga hindi ko pa lubusang natutunan tanggapin ang mga dapat tanggapin, nabigo ako sa aking attempt na hanapin ang peace sa aking sarili at kalimutan na lamang ang aking nakita:
(Mula kay:*hindi ko pa alam ang code name*) lalala, on my way home. Haha! Who's still up?
Siguro nagtataka kayo kung bakit ganun na lamang ang reaksyon ko sa napaka-tipikal na group message. Isa lang naman ang dahilan, ang taong ito ay hindi mahilig mag-group message at ang ikina-gulat ko pa ay isinali niya ako sa mga pinasahan niya ng mensahe na yan.
O, edi syempre anong ginawa ko? Nag-isip ng kung ano-anong hindi ko rin maintindihan at pagkatapos ng halos isang oras, nag-reply ako. Pagkapindot ko pa lang ng 'send', halos iuntog ko na yung sarili ko sa pader kasi natauhan ako at nainis sa sarili kung bakit ko nagawa yun. Ang masklap pa, walang bumalik na reply. Oha!
Sa totoo lang, kaya muntik-muntikan ko ng iuntog sarili ko sa pader dahil sa dalawang rason: Una, ayokong sirain yun pangako ko sa sarili ko para sa bagong taon. Malalaman niyo rin kung ano yung pangakong yun sa susunod kong blog entry. At pangalawa, alam ko namang hindi niya ako re-reply-an dahil sa mga ilang pagkakataong naranasan ko ay sadyang ayaw niya ata ako maka-usap o maka-text man lang-- isa pang rason kung bakit gulat na gulat ako ay isinama niya ako sa mensahe niya.
Napaka-OA ko ba? Siguro nga. Pero sa estado ng lecheng buhay pag-ibig at barkada ko ngayon, ang napakaliit na pagkakamali para sa ibang tao ay parang krimen na sa paningin ko. Syempre, nasaktan ako. Nadagdagan na naman yung bigat sa puso ko.
Sa totoo lang nung una muntik na ko magalit sa kanya dahil naisip ko: bakit pa niya ako i-sasama sa group message niya kung hindi rin naman siya open makipag-usap sakin. Pero pagkatapos rin ng ilang oras napagtanto ko na kasalanan ko rin iyon. Hindi naman niya alam ang nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko naman siya sinabihan na magtatago muna ako mula sa kanya at sa kanila, at susubukang lumayo muna at manahimik. At hindi niya rin kasalanan kung mahalin ko siya ng ganito.
Siguro iniisip mo, 'baka naman naka-tulog lang o kaya naman nawala bigla ng unli at load'. Siguro nga tama ka. Pero kahit sa mga pinaka-simple at nakaka-disappoint na pangyayaring ganito, para sa akin ay napakalaking bagay.
Oo. Ganun na siguro kasira yung sarili ko at hindi ko na magawang umintindi at magkonsider ng mga posibilidad. Halos puro negatibo na lang ang nakikita ko sa lahat ng sitwasyon. Kaya pagbigyan mo na ko, sadyang sobrang drama ko na talaga ngayon.
“Life's hard. It's even harder when you're stupid.” - John Wayne
No comments:
Post a Comment